Ang Blog ng Isang Mapagmahal ni Danica Mae C. de villa IV-Sciaence

Saturday, February 26, 2011

ANG NAG-IISANG ANAK

Ang Talumbuhay ni Danica Mae C. de Villa IV-Science
       
                                             It's me w/  my couz Elaine

         Ika-4 ng Mayo ng ikasal ang  aking mga magulang  na sina Dina M.Castillo at Efren S. de Villa. Dalampung taong gulang noon ang aking ina at dalampu't apat na taong gulang naman noon ang aking ama ng magpasya silang magpakasal.
    
        Matagal ang kanilang paghihintay bago sila nagkaanak.Halos dalawang taon anag lumipas bago nagdalang tao ang aking ina.Makalipas ang siyam na buwan ng pagdadalang tao ng akng ina Disyebre 12, 1994  ng ako ay ipanganak ng aking nanay. Halos dalampu't apat na oras nag labor  ang aking ina sa panganganak sa akin.Tunay namang napakahirap ng dinanas  ng aking ina sa kanyang pg dadalang tao.
 
      Halos magkasund lamang nanganak ang aking nanay at ang nakababata niyang kapatid.Agosto 26, 1994 ng ipanganak ng aking tiyahin ang aking pinsan vna si Elaine.Ilang buwan lamang angpagitan naming magpinsan.Halos lahat ng aming damit ay magkaparehas dahil lagi kaming pnapadalhan ng aming tiyahinng mga damit mula sa abroad .Kami  din ang palaging laman ng camera ng aming tiya at agad itong ipinadadala  sa kanya sa abroad upang palakihin at ilaminate.

     Ang aming lolo na ama ng aming mga nanay ang taga-duyan namin noong kami'y maliliit pa kapag kami ay tulog at ang amin namang mga nanay ay nagllaba ng aming mga damit.Ang duyan naming magpinsan ay nakasabit sa teris ng bahay ng aming lolo.
     
       1st birthday ko yan

       Naging magarbo din ang birthday naming magpinsan dahil ginastuasan ito ng aming mga magulang at ng aming tiyahin.Ang aming mga lar uan noon ay napakadami at halos lahat ay galing pa mula sa aming tiya sa Hong Kong.Wala pa noong asawa ang aming tiya ngunit, ng siya ay uuwi galing sa abroad  nakapag-asawa siya at doon nanirahan sa bayan ng kanyang naging asawa sa Gumaca Quezon.
    
       Ilan buwan lamang ang nakalipas matapos ang aking kaarawan namatay ang aming lolo.Kinaon ng aking ama ang aming tiya   uapng malaman nito ang nangyari sa aming lolo.Hapo  ang ikinamatay ng aming lolo na sinasabi namang aking minana mula sa kanya.

      Anim na taong gulang ako noon ng ako ay pumasok sa Kindergarten sa poaaralang pang elememtarya sa aming barangay.Ng ako ay magtapos   sa Kinder nagkaroon ako ng sabit.Ako ang nakakuha ng ika limang karangalan.Tuwang-tuwa noon ang aking mga magulang sa akn pati na rin ang aming mga kamag anak.

      Nagtuluy-tulouy ako ng pagpasok sa iis ang paaralan.Pumasok ako ng Grade 1.Napakabait ng naging guro ko noon.Napakatataas ng mga ibinibigay niyang grado sa akin.Ng matapos ako noon ng grade 1 muli akong napabilang sa mga mag aaral na bibigyan ng karangalan.Taun taon ay nakatatamo ako ng karangalan tuwing katapusan g taon.

        Ng ako ay tumuntong sa ika-anim na baitang  muli na naman akong  sinabitan. Nakalulungkot man pero kailangan naming magkahiwa-hiwalay na magkakaibigan at humarap sa mas kumplikado pang mundo.Sa loob ng pitong taon marami kaming mga kalokohang ginawa.Bawat mga nalalabing araw ay aming noong ginagamit ng maayos.Kahit ganoong malapit na kaming mag kahiwa-hiwalay di pa rin kami nagbabago ng pakikitungo sa ias't isa.Hindi dahilan ang aming pagtatapos upang agkalimutan kame.Nangako kami sa isa't isa na walang lmutan at kapag mayroon kaming mga libreng oras ay magkikita kita at magkaroon ng bonding at reunion.

      Gaya noong ako ay nagtapos sa Kinder muli kong nakamit ang ikalimang karangalan.Ako ay sinabitan bilang third honorable mention.

      Bilang paghahanda  noon sa aking pagpasok sa hayskulpinakuha ako ng entrance test ng aming kamag anak na guro na nagtuturo sa Dizon High upang mapabilang ako sa Science Section.Seksyon kung saan ang mga mag aaral na napapabilang doon ay ang magagaling na mag aaral.Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na ibinibvigay sa akin at agad akong kumuha ng test na iyon.Kasama kong kumuha ng test ang ilan sa mga kaklase ko noong elementary.Ng malaman kong hindi ko naipasa ang test lungkot na lungkot ako noon.Pero sabi ko sa sarili ko ayos lng na nasa sec.a ako hindi naman mababa ang seksyon na iyon at sumunod lng din naman sa science sec tion.Ngunit sabi ng isang guro doon kumuha daw muli ako ng isa apng test mas madali daw kesa doon sa kinuha kong test nung una.Ayoko na noon kumuha ng test pero kinumbinsi ako ng aking mgas magulang dahil baka daw maipapasa ko sayang naman daw iyong pagkakataon.Nakumbinsi nla ako at muli akong kumuha ng test second screening.Sa awa ng Diyos naipasa ko ang pangalawang test.At dahil doon napabilang ako sa sc ience section.

       Ng umang araw ko sa hayskul wala akong kaimik imik dahil wala pa ako noong kakilala hindi ko tuloy mailabas ang aking tinatagong kadaldalan.Ngunit, ang aking mga kaklase noon ay napaka iingay dahil halos 1/4 sa aking mga kaklase ay magkakakilala na dahil iisa ang kanilang pinasukang paaralan noong sila ay elementary pa lamang.

     Hindi naman nagtagal nagkakila kilala din kami at umiral amg kaya kanya kaingayan.Tatlumpu't anim kami oon ngunit agad kameng nabawasan ng dalawa dahil yoong isa ay nag dropped at iyong isa naman ay nagpalipat sa ibang seksyon.QAng aming seksyon ay maaaring mabawasan ngunit hindi maaaring madagdagan.Dahil sa seksyon namen sinasala ang pinaka mahuhusay na mag aaral.

     Masayang masaya kami ng sumali kami noon sa isang contest ang pagsasadula ng Ibong Adarna kung saan kami ang nanalo. Tuwang tuwa kami dahil ang mga paghihirap namin ay nagbunga ng maganda.

     Kaya ng kami ay nasa ikalawang antas na sa hayskul kami ay tatatlumpu't apat na lamang. Gaya ng mga guro oon namin sa 1st year mababait din ang mga naging guro namin noong second year.Muling ngkaroon ng patimpalak sa pagsasadula naman ng Florante at Laura. Muli kami ang tinanghal na pinakamagagaling.Muli na namang nagbunga ang aing paghihirap.At ng malapit ng magtapios ang taon natutuwa kami na malaman na walang mababawas sa aming seksyon.

     Ngunit, ng kami ay tumuntong sa ikatlong antas nalungkot kami ng malaman naming mababawasan pala kami ng isa.Naging tatlumpu't tatlo nalang kami    .Mahirap man tanggapin na mapapahiwalay na siya sa amin gunit kailangang sumunod sa mga patakaran sa paaralan.

     Ginawa  namin ang lahat upang hindi kami mabawasan sa susunod na taon. Nagtutulungan kami upang makapasa sa bawat pagsusulit\ tinuturuan namin ang isa't isa upang i-discuss ang mahihirap na topics.Ngunit, mayroon sa aming mga nagpabaya at hindi ginagawa ang mga dapat gawin upang makapasa.Ang ilan ay hindi napasok sa tamang oras ang ang ilan naman ay hindi nagpapasa ng mga proyekto.Hindi namin inaasahan na walo ang matatanggal sa amin.Lungkot na lungkot kanmi ng mga oras na iyon.Ngunit wala kaming magagawa kundi ang sumunod sa mga patakaran ng paaralan.

     Ng kami ay nasa ika-apat na antas na kami ay dadalawampu't lima na lamang.Malungkot pero kailangang tanggapin.Naging masaya naman ang aming mga dating kakalase sa kanilang mga bagong kaklase,Pero kahit na hindi na  namen sila kaklase andito pa rin kmi palagi para sa kanila sa mga oras na kailangan ila ng aming tulong.Ngayon halos isang buwan na lamng ang nalalabi at kami ay magtataopos na.Bawat segundong lumilipas ay sinusulit namin na magkakasama dahil ang bawat saya, lungkot aat kalokohan ay mapapawi lamang sa loob ng isang araw at iyon ay sa araw ng aing GRADUATION. Pero tandaan natin na ito ay hindi ang katapusan ito ay ang simula pa lamang ng ating paglalakbay tungo  sa totoong mundo.


 umabay ako jan haha

  
                                       ako kasama ang DHARK WITCHEZ


                   AKO KASAMA ANG IV-SCIENCE AT SI SIR.MON



                                          AKO W/ MY SCYBER PHOENIX FAMILY



    

No comments:

Post a Comment