Ang Blog ng Isang Mapagmahal ni Danica Mae C. de villa IV-Sciaence

Saturday, February 12, 2011

ANG TATLONG MAGKAKAIBIGAN

         Isang araw sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Mem. Nat'l H.S. may isang grupo ng mga mag aaral. Ang grupong ito ay kinabibilangan nina Cynthia, Fatima at Cheska.
          Silang tatlo ay nasa ikaapat na antas at nabibilang sa pinaka mataas na seksyon.
          Palagi silang magkakasama saan man sila magpunta.
          Tuwing magkakasama sila, palagi silang masaya.Walang oras na lumilipas ang hindi sila nagkakasundo.
           Sa pagpasok nila sa eskwelahan nag iintayan pa sila sa labas ng gate upang sabay sabay silang papasok sa loob ng silid-aralan.
          Ganoon din naman kapag sila ay umaawas magkakasama pa rin silang tatlo. Kapatid na turing sa isa't-isa kaya hindi na sila mapag hiwa-hiwalay.
          Kapag sila ay walang klase naglalakad lakad sila sa loob ng kanilang paaralan. Iikot sa oval, bili ng kwek-kwek at open forum sa gitna ng oval
         Silang tatlo ay mga simpleng mag-aaral lamang mabait, disiplinado at matulungin. Kaya't nagtataka sila ng malaman nilang marami ang galit sa kanila na sa eskwelahan din nila pumapasok at mula sa ibang seksyon.
         Hindi nila alam ang dahilan ng ikinagagalit ng mga ito sa kanila. Ang sabi ng iba nilang malalapit na kaibigan baka daw inggit lang ang mga ito sa kanilang tatlo.
         Ang sagot naman ng tatlo ano naman ang ika iinggit ng mga ito sa kanila samantalang sila naman ay mga simpleng mag-aaral din lamang.
         Tuwing maglalakad sila sa loob ng paaralan marami silang naririnig na hindi maganda tungkol sa kanilang tatlo.
         May isang malapit silang kaibigan na naninira sa kanila kaya't marami ang nagagalit sa kanila.
         Hindi na lang nila pinapansin ang mga sinasabi tungkol sa kanila dahil ayaw nila ng gulo dahil dalawang buwan na lamang ay magtatapos na sila sa hayskul.
        Nagkaroon ng isang ecent sa knilang paaralan kung saan ang mangunguna ay ang painaka mataas na seksyon sa ikaapat bna antas kung saan nabibilang ang tatlong magkakaibigan.
       Ang event na ito ay kalalahukan ng lahat ng seksyon sa ikaapat na antas.
       Sa pamamahala ng seksyon na kinabibilangan ng tatlong magkakaibigan ay marami silang naririnig na mga paninira mula sa ibang mag aaral.
       Ngunit dahil nga sa ayaw nila ng gulo hindi na lamang nila pinanpansin ang mga ito at pinahuhusay na lamang ang knilang pamamahala.
       Ipinagsasawalang bahala na lamang nila ang mga ito dahil para sa kanila wala silang ginagawang masama upang gawin sa kanila iyon ng kanilang kamag-aral.
       Hanggang sa matapos ang event na iyon nakikisama na lang ang kanilang seksyon lalo na sina Cynthia, Fatima at Cheska.
       Dumating ang araw ng kanilang pagtatapos.Isa isa ng tinawag ang magsisipag tapos at inuna ang pinaka mataas na seksyon.
       Ng ang magkakaibigan na ang tinawag sa entablado nag-ingay ang mga kapwa nila mag aaral na galit sa kanila at sumisigaw ng "booooo".
       Hiyang hiya sila ng bumaba sila ng entablado.
       Ng matapos na ang programa, magkakasamang umiyak ang tatlo sa kanilang kinauupuan.
       Nakita naman sila ng kanilang mga kaklase at agad silang nilapitan upang damayan.Dahil saa kagustuhang maayos ang sitwasyon, minabuti ng mga kaklase nilang kausapin ang mga kapwa mag aaral na galit sa kanilang mga kaklase.
       Kinausap nila ang mga itonang mahinahon. Hindi nagtagal ay kasamang lumapit ng mga kaklase nila ang mga kapwa mag aaral na galit sa kanila.
       Agad humingi ang mga ito ng paumanhin sa lahat ng mga nagawa nila lalo n sa mga masasakit na salita na kanilang nasambit tungkol sa tatlong magkakaibigan.
       Agad din nanamng pinatawad ng tatlo ang mga humihingi ng paumanhin.
       Dahil sa pagsisisi ng mga kapwa mag aaral minabuti nilang maging magkakaibigan.
       Simula noon, silang lahat ay naging mabuting magkakaibagan na.






                    ANG TATLONG MAGKAKAIBIGAN KASAMA C MHOKXS AT VINCENT
       

No comments:

Post a Comment